Netizens, pinuna ang pasigaw na pag-host ni Richard Gutierrez sa Bb. Pilipinas 2018

Hot topic sa social media kagabi ang isa sa mga host ng Binibining
Pilipinas 2018 na si Richard Gutierrez.

Maraming netizen ang nakapansin sa pasigaw na paghu-host ni Richard.

May ilang nagsabing parang galit raw ito kung magsalita at nakakainis
pakinggan.


Nakarating naman ito agad sa kapatid ni Richard na si Ruffa Gutierrez na
nakatutok din sa coronation night.

Sa tweet ni Ruffa, ipinaliwanag nito na kailangang taasan ni Richard ang
kanyang boses dahil mahina raw ang audio at hindi nito marinig ang sarili.

Katuwang ng kapamilya actor na naghost ng pageant si Miss Universe 2015 Pia
Wurtzbach at si Miss Grand International 2016 1st runner-up Nicole Cordoves.

Facebook Comments