Kaagad na nagpatawag ng command conference kahapon ang bagong PNP Provincial Director na si PSSUPT Reynaldo Pawid pagkatapos ng turn over of command kamakalawa. Si Pawid ay mula sa PNP Directorate for Southern Luzon. Pinalitan ni Pawid si Police PSSUPT Jerry Biares na inilipat naman sa PNP Central Office – Police Security Protection Group.
Ito ang kumpirmasyon na ipinahayag ni PNP Provincial Office – PIO na si PSUPT Venerando Ramirez sa interview ng RMN Naga – DWNX kahapon.
Idinagag pa ni Ramirez na pangunahing tungkulin ng bagong Provincial Director na ipagpatuloy ang administrative and operational functions of PNP Camarines Sur Provincial Office, particularly ang anti – illegal drug operations, implementation of special laws and internal cleansing of PNP organization.
Sa kanyang turn-over speech, pinasalamatan ni Biares ang lahat ng mga kapulisan na pinadala ng PNP Regional Office 5 na nagsilbing augmentation force para mapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa Naga City nitong nakaraang Peñafrancia Festival.
Samantala, na-interview din ng RMN Naga DWNX RadyoMaN Ed Ventura sa programang Doble Pasada si bagong PNP Provincial Director PSSUPT Reynaldo Pawid kung saan binigyang-diin ng Opisyal na bahagi ng instruction ng PNP Regional Office na ipagpatuloy ang mga napagsimulan ng dating PD at hangad din niyang walang mangyayaring untoward incident sa mga kapulisan sa iba’t-ibang bahagi ng Camarines Sur. Idinagdag pa ni Pawid na ang kanyang posisyon as PNP CamSur Provincial Director ay OIC-capacity lamang at hindi pa tiyak kung siya pa rin ang mamumuno sa PNP Camarines Sur hanggang sa panahon ng election sa 2019.
New CamSur PNP Director PSSUPT Reynaldo Pawid, Hangad ang Patuloy na Katahimikan sa Pinakamalaking Probinsiya ng Bicol Region
Facebook Comments