NEW CASE NG COVID-19 SA CITY OF ILAGAN, NANANATILING ‘ZERO’

Walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 habang apat (4) naman ang aktibong kaso sa lungsod ng Ilagan base sa pinakabagong tala nitong Miyerkules, September 21, 2022.

Ang nabanggit na datos ay ibinahagi ng Isabela Public Information Office mula sa Provincial Epidemic Surveillance Unit (PESU) ng Pamahalaang Panlalawigan ng lalawigan ng Isabela.

Kaugnay nito, patuloy ang maigting na pagbabakuna ng City Health Office-I sa mga Ilagueños kung saan kamakailan ay isinagawa ang Massive House to House Vaccination sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Pinangunahan ang nabanggit na aktibidad ng CV-CHD Vaccination Team; City Health Officer Dr. Red Galapia Cachapero, RMT; DMO IV Ginang Claire Inocencia Ramirez Bunagan, Barangay Captain Ariel Tabangcura; Kagawad on Health Carmelita Alluad; at iba pang mga staff.

Layunin nito na mas palawakin pa ang saklaw ng bakunahan at pataasin pa ang bilang ng mga bakunado sa siyudad para sa ibayong proteksyon laban sa pandemya.

Facebook Comments