SHOTGUN, ISINUKO NG ISANG LOLA

13
Boluntaryong isinuko sa himpilan ng pulisya ng isang 81 taong gulang na lola ang kanyang iniingatang baril dito sa Lungsod ng Cauayan.

Sa pamamagitan ng Oplan Katok Bilang Boga campaign ng Cauayan City Police Station, nahikayat si Lola “Ester”, byuda, negosyante at residente ng Barangay San Fermin, Cauayan City, Isabela na ideposito muna sa pulisya ang kanyang isang unit na Shotgun habang paso ang lisensya nito.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang baril nito ganun din ang iba pang armas na ipinasakamay sa PNP Cauayan.

Maaari namang kunin ng mga gun owners ang kanilang isinukong baril kung nakapag-renew na ng lisensya.

Tuloy-tuloy naman ang panawagan ng PNP sa mga gun holders and owners na expired ang lisensya na dalhin muna sa kanilang himpilan para iwas sa aberya at hindi rin magamit sa krimen.

Facebook Comments