Taon-taon na lang tuwing Bagong Taon, sinasabi ng mga tao ang mga pagbabagong ito sa kanilang lifestyle o buhay.
Ito ang ilan sa mga New Year’s Resolution na paulit-ulit na lang nating naririnig pero hindi naman ginagawa:
1. MAG-DIET Paano ka magda-diet kung marami pang natirang ulam at handa noong Bagong Taon?
2. MAG-EXERCISE Pagkatapos ng maraming handaan at kainan simula Pasko hanggang Bagong Taon, nadagdagan ang timbang mo. Magsisimula na daw mag-jogging at mag-gym every morning pero hindi naman nagising.
3. ITIGIL ANG BISYO Huling pag-inom ng alak na raw noong Bagong Taon pero paano kapag nagkaaayan ang barkada?
4. MAGTITIPID Paano? Kung every sahod may sale?
5. MAG-IIPON 20% dapat ng income mo ay napupunta sa savings hindi sa cravings.
6. HINDI NA MALE-LATE Anong oras na? Sisisihin mo na naman ang traffic niyan?
7. MATULOG NANG MAAGA Kaya ka rin nale-late kasi hindi ka natutulog ng maaga. Tama na yang kaka-scroll mo sa cellphone mo. Tulog na!
8. BAWASAN ANG TV AT FB Lagi ka na lang nakatutok sa screen.
9. MAG-TRAVEL Yung plano niyo ng kaibigan mo, kulayan mo naman. Lagi ka na lang sa office at bahay eh.
10. MAG-MOVE ON Ito talaga ang pinakamahirap na resolution sa lahat. Ilang years na ba? Sinabi mo na rin yan eh.