Manila, Philippines – Bumanat si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa New York Times matapos itong maglabas ng isang Editorial na bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaan kasi na batay sa editorial na lumabas sa Times ay sinabi nito na dapat ay mapahinto na si Duterte at umapela din ito sa International Criminal Court na silipin ang patayang nangyayari sa bansa.
Ito naman ay matapos ding magsampa ng kaso ang kampo ni Edgar Matobato sa ICC laban kay Pangulong Duterte.
Ayon kay Panelo, dapat ay huminto na ang New Editorial York times sa paglalabas ng iresponsable at walang basehang editorial kay Pangulong Duterte.
Binigyang diin ni Panelo na walang imbestigasyong nagpapatunay na si Pangulong Duterte o ang gobyerno ang nasa likod ng mga nangyayaring patayan sa bansa.
Iginiit din ni Panelo na walang jurisdiksyon ang ICC sa kasong iniuugnay kay Pangulong Duterte hindi naman nakasusunod ang kasong isinampa sa mga nakalatag na panuntunan ng ICC.