Pinangunahan ni outgoing Cauayan City Mayor Bernard Dy ang panunumpa ni re-elected Isabela Governor Rodito Albano III habang pinangasiwaan naman ng kasalukuyang Gobernador ang Oath-taking ni Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III.
Ang panunumpa naman ng mga bagong halal na Board Members, Congressman, Municipal at City Mayors and Vice Mayors ay pinangunahan pa rin ni Vice Gov. Bojie Dy III.
Nagsilbi namang guest of honors sina Senator elect Raffy Tulfo at re-elected Senator JV Ejercito kung saan lubos ang kanilang pasasalamat sa ibinigay na suporta ng mga Isabelino at bilang pagbabalik tanaw ay tututukan nila ang pagpapaganda at pagtatayo ng mga bagong proyekto na makakatulong sa mga Isabelino.
Sa inaugural address ni Isabela Governor Albano, kanyang sinabi na ipagpapatuloy pa rin ang mga nasimulang proyekto sa nakalipas na tatlong taon gaya ng pagpapalakas sa ekonomiya at pagtiyak sa kalusugan at pagbibigay ng magandang kinabukasan ng bawat mamamayang Isabelino.
Samantala, naging maayos at payapa namang natapos ang isinagawang oath-taking ceremonies ng mga bagong opisyal sa Isabela sa tulong ng mga pinagsanib-pwersa ng PNP Cauayan, Public Order and Safety Division (POSD), Highway Patrol Group, Bureau of Fire Protection kasama ang mga kawani ng Rescue 922 ng CDRRMC.