Smuggling list, pinabeberipika ng isang senador

105

Buo ang suporta ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa report ukol sa agricultural smuggling ng Senate Committee of the Whole na pinamunuan ni Senate President Tito Sotto III.

Diin ni Zubiri, siya ay kaisa sa commitment ni SP Sotto sa paglaban sa talamak na pagpupuslit ng mga produktong pang-agrikultura.

Matagal na ring nananawagan si Zubiri sa Department of Agriculture hinggil dito habang ang Senado naman ay palaging handa na magbalangkas at magpasa ng kailangang mga batas para hadlangan ang smuggling.


Pero giit ni Zubiri, kailangan iberipikang mabuti ang listahan ng mga sangkot sa agriculture smuggling kung saan kasama ang pangalan ni Navotas Mayor Toby Tiangco.

Paliwanag ni Zubiri, dapat tayo ay magabayan ng mga tamang impormasyon lalo na pagdating sa listahan ng mga smugglers.

Mahirap paniwalaan para kay Zubiri na kasama, dawit si Tiangco bilang umano’y protektor ng smugglers.



Diin ni Zubiri sa mahabang panahon ay kilala niya si Tiangco na lumalaban sa mga smugglers sa Navotas at sa katunayan ay nangunguna ito at bugong sumusuporta sa mga anti-smuggling task force.

Facebook Comments