12 CLASSROOMS NA NASIRA NG LINDOL NOONG PEBRERO NAKATAKDANG I-DEMOLISH SA SURIGAO CITY
Ayon sa Assistant Schools Division Supt. Elisabeth Larase, ang mga classrroms ay hindi na magagamit sa grabeng pinsala sa lindol. IIlan sa mga ito ay nasa island at uban barangays.
Diumanoý ang iilang paaralan ay naghihintay pa rin sa pagdating ng mga Tents na gagamitin bilang temporary classrooms. Inamin ni Larase na kung hihintayin ang Dept. of Education National Office sa pagkukumpuni, aabot ng isang taon pa bago maipapatayo ang mga nasirang classrooms.
BUNGO AT BUTO NG TAO NATAGPUAN SA BRGY. ANOMAR, SURIGAO CITY
Isang Erwin Escobal Suacillo, 27 taong gulang ang nagsumbong sa mga otoridad na habang naghuhukay para sa itatayong bahay, nang umabot na sa isang metro ang nahukay, nakapa niya ang basag na bungo, ngipin at buto.
Sa kanyang nakita, diumano;y inireport niya kaagad ito sa kanilang Brgy. Captain at sa mga pulis, Ang natagpuang bungo at buto ng tao ay nasa kustodiya nan g Prov’l Crime Laboratory sa pagsasagawa ng karagdagang examinasyon para makilala kung kaninong identidad ito.