News Update: Suspek at motibo sa pamamaril sa isang dalaga sa Roxas, Isabela, Natukoy na!

*Roxas, Isabela- *Panghihingi umano ng pera sa tatay ng suspek ang nakikitang motibo ng pamamaril sa isang dalaga Brgy. Luna, Roxas, Isabela.

Matatandaan na noong madaling araw ng Enero 16, 2019 ay pinagbabaril ng tatlong beses sa leeg ng biktima na si Caren Guarenia Cal, 22 anyos, at tubong Bicol, Sorsogon habang ito ay nagalalaro ng baraha.

Batay sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Engelbert Bunagan, hepe ng PNP Roxas, magkakilala mismo ang mastermind sa biktima at lumalabas sa kanilang imbestigasyon sa motibo ng pamamaril ay dahil sa palagiang panghihingi umano ng biktima ng pera sa ama ng mastermind na suspek.


Ayon kay PCI Bunagan ay hindi pa nila maaring mabanggit ang pangalan ng mga suspek dahil patuloy pa ang kanilang pagkalap na karagdagang impormasyon hinggil sa naturang pamamaril.

Inihayag rin ng hepe na isa umanong ‘sugar daddy’ ng biktima ang ama ng suspek subalit kukumpirmahin pa ito ng kanyang pamunuan.

Kaugnay nito ay nakatakda namang ilipat sa Bicol ang mga labi ng biktima habang disidido naman ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso laban sa mga suspek.



Facebook Comments