*Cauayan City, Isabela – *Hindi maiwasan ng NFA Cagayan na isisi sa Rice Tarrification Law ang pagbaba ng presyo ng palay sa lalawigan. Lumabas ang hinaing na ito matapos imbitahan ng Provincial Board ang NFA Cagayan.
Ayon kay Mrs. Vicenta Gammad ng NFA Cagayan, bago ang implimentasyon ng rice tarrification law, maganda ang presyuhan ng palay. Nagkakahalaga ito mula 17 hanggang 21 kada kilo. Para kay Board Member Vilmer Viloria, isa umano ito sa mga pinakamagandang araw ng mga magsasaka. Pero sa ngayon, aminado si Board Member Viloria na hindi malayo sa katotohang naglalaro sa pito hanggang 10 piso kada kilo ang bentahan ng palay sa Cagayan ng mga private traders. Ayon pa kay BM Viloria, pansamantalang tumigil ang NFA sa pagbili ng palay dahil puno umano ang kaniliang bodega.
Sa ngayon tinitingnan NFA Cagayan, ang posibilidad na dagdagan ang kanilang dalawang bodega na matatagpuan sa Baggao at Allacapan Cagayan maliban sa kanilang nirerentahan sa Luna, Apayao. Dahil dito, nagmungkahi si BM Viloria kung maaaring lagyan ng isang bodega ang bawat bayan na kung saan ay pagsasaka ang pangunahinh pinagkakaitaan ng mga mamamayan. Ayon pa sa bokal, maaaring gamitin ang mga covered court o gymbasium ng mga bayang ito. Sagot naman ni Mrs Gammad, kailangan muna nilang pag aralan ito dahil sa kakulangan ng manpower. Aminado si ginang Gammad, hindi nila kayang imonitor ang lahat ng mga bayang ito dahil kapos sila sa tao.
Lumabas din sa naturang board inquiry ang iba pang hinaing ng NFA mula nang ipatupad ang rice tarricication Law(RTL). Mula aniya noong maisabatas ito, nawalan na sila ng karapatan monitoring sa presyo ng pakay, pagbibigay ng lisensya sa pagbebenta ng bigas at iba. Tanging natira umano sa kanila ay ang pagbili ng palay bagay na di nila agad maisakatuparan sa kakulangan ng bodega, tauhan at pondo.
NFA Cagayan, Pinatawag sa Provincial Session.
Facebook Comments