Manila, Philippines – Tiwala si NFA Administrator Jason Laureano Aquino na mapapatatag nito ang buffer stock ng bigas ng ahensya dahil sa paglago ng palay procurement nito sa mga itinuturing na surplus regions tulad ng Central Luzon,Western Visayas, at Cagayan Valley.
Mula Oktubre 25 -umaabot na sa 80,040 bags ng butil ng palay ang nabili ng NFA sa mga local farmers mula ng magsimula ang peak ng harvest sa bansa.
Sa kabuuan, may 389,282 bags na ng palay ang nabili ng ahensiya sa buong bansa simula noong Enero.
Matapos ang ginawang pagbisita ni Aquino sa iba pang lalawigan na may mataas na procurement operations tulad ng Mindoro,Isabela, at mga lalawigan sa Central Luzon, tiwala ang opisyal na magpapatuloy ang buying activities ng ahensiya hanggang Disyembre.