NFA, Patuloy ang pagbili ng Palay sa mga Magsasaka!

Cauayan City, Isabela –Patuloy pa rin ang pagbili ng National Food Authority (NFA) sa pananim na palay ng mga magsasaka dito sa Lalawigan ng Isabela.

Ito ang ibinahagi ni Emmanuel Villanueva, NFA Provincial Manager sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Aniya, kapag ang isang magsasaka ay kabilang sa listahan ng Bojie-Rodito Opportunities (BRO) Ayuda sa Presyo (ASAP) ay pwede nitong mapakinabangan ang dagdag presyo ng NFA na P6.00 para sa palay kada nila nito.


Maaari rin anya na magbenta sa kanilang tanggapan ang isang magsasaka kahit ito ay hindi nakabilang sa BRO-ASAP sa presyong P20.40 para sa palay kada kilo.

Kapag nasa ilalim naman ng Kooperatiba ang magsasaka ay pwede pa rin itong magbenta sa NFA sa presyong P20.70.

Ayon pa kay Villanueva, dapat anya na malinis at dry ang palay na ibebenta sa kanilang tanggapan.

Kaugnay nito, aabot lamang sa 120 cavan ang pwedeng ibenta ng isang magsasaka sa kanyang isang ektaryang palayan at nasa 7 ektarya lamang ang limit nito.

Nanawagan naman ang nasabing opisyal sa mga magsasaka na sundin lamang ang kanilang proseso upang maging maayos ang kanilang transaksiyon at bukas lamang umano ang kanilang tanggapan.

Facebook Comments