NFA, target na malampasan ang 3.08 million bags na palay procurement

Kumpiyansa ang National Food Authority (NFA) na malalampasan nito ang 3.08 million bags na palay procurement sa unang hati ng taon na resulta ng pasiya ng NFA Council na taasan ang buying price ng palay.

Nasa 97% na ang nakamit sa target na palay procurement ng NFA at inaantay na lamang ang natitirang mabibili sa buong buwan ng Hunyo.

Maraming mga magsasaka sa ilang mga lalawigan sa hilagang Luzon ang hindi pa nakumpleto ang kanilang ani kaya umaapela sila sa NFA na tuloy-tuloy ang pamimili.


Nagpatupad na ang NFA Council ng tinatawag na fastlane para mabilis na maserbisyuhan ang mga magsasaka na nagbebenta ng hindi hihigit sa 50 sako ng palay.

Ayon kay Acting Administrator Larry Lacson, ginastos lamang ng NFA ang kalahati ng P9 bilyong procurement budget para sa taong ito sa pagkuha ng karagdagang 2.8 milyong bag ng bigas sa nakalipas na anim na linggo.

Bukod sa budget para sa taong ito, sinabi ni Lacson na ang NFA ay may natitira pang P8 bilyon mula sa procurement outlay noong nakaraang taon para makabili ng mas maraming stock ng bigas.

Upang magkaroon ng karagdagang stock ng palay, inutusan ni Lacson ang mga tauhan ng NFA na simulan ang paggiling ng mga stock para matustusan ang 500,000 bags ng bigas na kinakailangan ng Department of Social Work and Development (DSWD).

Facebook Comments