NIA, maglalaan ng P800 bilyon pondo para sa farm-to-market projects ng gobyerno

Maglalaan ang National Irrigation Administration (NIA) ng P800 bilyon pondo para sa farm-to-market (FMR) projects ng pamahalaan.

Ayon sa NIA, sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) ay tutustusan ng mga pribadong kompanya ang iba’t ibang proyekto ng FMR sa loob ng 10 taon.

Katuwang ng NIA sa nasabing programa ay ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa aquaculture farming; Department of Energy (DOE) para sa hydro-electric at solar power at ang National Water Resources Board (NWRB) para naman sa bulk water distribution.


Facebook Comments