Bianca King, ibinahagi kung paano niya nalagpasan ang anxiety sa kaniyang pagbubuntis

16
Courtesy: Bianca King | Instagram

Matapang na nalagpasan ng aktres na si Bianca King ang naranasan niyang anxiety sa kaniyang pagbubuntis.

Say ni Bianca, hindi naging madali ang unang trimester dulot ng nararamdaman niyang mga takot, pero dahil sa pagdadasal ay nalagpasan na niya ito at pregnancy bliss na ang kaniyang nararamdaman ngayong 19 linggo na siyang buntis.

Dagdag pa ng aktres, malaking tulong din ang ibinigay ng mga mahal niya sa buhay lalo na ang kaniyang asawa na si Ralph Wintle.


Courtesy: Bianca King | Instagram

Payo pa ni Bianca sa mga nakakaranas ng ganitong sitwasyon ay huwag mag-isip ng kung ano-ano na ikakasama ng pagbubuntis.

Nabatid na tumigil na si Bianca sa showbiz career niya at piniling manirahan na sa Australia kasama ang kaniyang asawa.

Facebook Comments