Pito, patay habang 20 pang indibidwal, hinihinalang natabunan sa landslide sa isang minahan sa Indonesia

466

Nasawi ang pitong katao, habang tinatayang nasa 20 pang indibidwal ang natabunan sa landslide sa isang ilegal na minahan sa West Kalimantan province sa Indonesia.

Ayon sa mga awtoridad, nangyari ang insidente matapos bumuhos ang malakas na ulan habang nagmimina ng ginto ang mga biktima.

Nabatid na talamak talaga ang hindi lisensyadong pagmimina sa nasabing bansa.


Pahirapan din ang isinasagawang rescue operations sa lugar bunsod ng malakas na pag-ulan.

Facebook Comments