NIA-MARIIS, Nakatakdang Magpakawala ng Tubig Bukas!

Cauayan City, Isabela- Magpapakawala na ng tubig bukas, Hunyo 8, 2018 ang National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irigation System o ang NIA-MARIIS sa mga bukirin dito sa lalawigan ng Isabela.

Ito ang kinumpirma ni ginoong Wilfredo Gloria, ang Department Manager ng NIA-MARIIS sa naging talakayan ng RMN Cauayan kaninag umaga.

Ayon kay ginoong Gloria, Nauna ng naipabiso ang pagpapakawala ng tubig noong ika-apat ng Hunyo subalit iniurong ito bukas, ika walo ng Hunyo upang mabigyan ng pagkakaton ang ibang contractors na malinisan ang kanilang kanal at matanggal na rin ang mga construction equipments na nakababad sa ilang irigasyon at kanal.


Ilan sa mga bayan na mapapadaanan ng patubig bukas ay ang bayan ng Ramon, Santiago City, San Isidro, Cordon, San Mateo, Cabatuan, Alicia, San Manuel, Roxas, Burgos, Potia, Aurora, Luna, Angadanan, Cauayan City at ilang bahagi ng bayan ng Diffun.

Nakatakda namang magpakawala ng tubig ang NIA-MARIIS sa June 15 sa ilang irigasyon ng Diffun, Saguday, Cabbaroguis, ilang bahagi ng Santiago City, Burgos, Alicia, Angadanan, Reina Mercedes at Naguilian at sa June 22 naman ay sa ilang bahagi ng bayan ng Gamu.

Ayon pa kay ginoong Gloria, Malaki umano ang naging tulong ng pag-ulan dito sa ilang parte ng probinsya dahil mas madali umanong mapatubigan ang mga sakahan ng mga magsasaka.

Hinikaya’t pa ni ginoong Gloria ang lahat ng mga magsasaka na nasasakupan ng NIA-MARIIS na suportahan ang kanilang programa at tumulong na rin sa paglilinis sa mga kanal upang mas mabilis na dumaloy ang kanilang patubig.

Facebook Comments