NIA-MARIIS, Tiniyak na sapat ang patubig sa Irigasyon!

*Cauayan City, Isabela -* Tiniyak ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) na mayroong sapat na suplay ng tubig pang-irigasyon sa mga palayan ng mga magsasaka.

Ito ang ibinahagi ni Engr. Wilfredo C. Gloria ng NIA-MARIIS sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Mayroon anya silang nakatakdang irrigation delivery schedule ngayong darating na buwan ng Hunyo.


Magsimula anya ang kanilang pagpapakawala ng tubig para sa irigasyon ng mga palayan sa Hunyo 3 upang matulungan ang mga magsasaka para sa paghanda sa kanilang sinasaka.

Ayon pa kay Engr. Gloria, malaki ang nagagawa ng pag-ulan ngayong buwan dahil maaaring makapag-imbak ang mga magsasaka para sa kanilang pananim.

Kaugnay nito, puspusan ang naturang tanggapan sa kanilang annual preventive maintenenance at pag-inspeksyon sa mga control gate ng Irrigation canals upang matiyak na walang maging sagabal sa pagdaloy ng tubig.

Samantala, naghahanda rin ng proyekto ang NIA-MARIIS upang mas lalong mapaganda ang irrigation services sa mga magsasaka.

Facebook Comments