Nagdeklara ang mga governor ng 36 na estado sa Nigeria ng state of emergency dahil sa umano’y pagtaas ng kaso ng rape at sexual abuse laban sa mga kababaihan.
Sa kabila nito, iginiit ng Nigerian Governor’s Forum (NGF) sa mga otoridad na gumawa ng listahan ng mga sex offenders at pirmahan na ang dalawang federal laws na layong magbigay ng mabigat na parusa laban sa mga maaarestong suspek.
Dagdag pa ng NGF, hihingi sila ng mga impormasyon sa mga police chief ukol sa mga hakbang na ginagawa nila laban sa lumalalang kaso ng nasabing krimen sa kanilang bansa.
Matatandaang nagkaroon ng kaliwa’t kanang protesta sa Nigeria matapos ang sunod-sunod na panggagahasa sa mga babaeng estudyante kung saan ilan pa dito ay sinasaktan bago patayin.
Facebook Comments