NILAGLAG | Kongresista, tinukoy na isang gambling operator

Manila, Philippines – Direktang pinangalanan ni PCSO Board Member Sandra Cam si Negros Oriental Rep. Arnie Teves na isang gambling operator.

Sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusement kaugnay sa iregularidad ng Small Town Lottery o STL Operations, nagkabanggaan sina Cam at Teves.

Ayon kay Cam, kilalang nag-o-operate ng sugal ang kongresista sa Negros Oriental.


Binuweltahan naman ni Teves si Cam sa pagsasabing ‘stupid’ ito.

Hamon ni Teves kay Cam na magbibitiw siyang kongresista kung mapapatunayan na isa nga siyang gambling operator.

Pero kung si Cam naman ay walang dalang pruweba sa muling pagharap nito sa Kamara, iginiit ni Teves na ito naman ang kailangang magbitiw sa PCSO.
Inamin ni Teves na minsan siyang naging gambling operator pero matagal na panahon na niyang itinigil ito.

Facebook Comments