
Malapit nang matapos ang laman ng talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, posibleng makumpleto ang buong speech ni PBBM sa Linggo.
Samantala, hindi naman aniya kasama sa laman ng SONA ni Pangulong Marcos Jr. sa Lunes ang nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Pero tatalakayin aniya dito ang mga accomplishment ng administrasyon sa nakalipas na isang taon at iba pang mahahalaga na iaanunsiyo.
Una nang sinabi ng Palasyo na magiging simple at marangal ang gaganapin SONA ni PBBM sa Lunes.
Facebook Comments










