Thursday, July 23, 2026

2 suspek sa nangyaring pag-ambush sa mga PNP personnel sa Shariff Aguak noong Marso, arestado na —PNP

Naaresto na ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang suspek sa pag-ambush sa mga PNP personnel na nagresulta sa pagkakasawi ng 5 pulis sa Maguinndanao del Sur noong buwan ng Marso ngayong taon.

Ayon sa ulat ng PNP, naaresto ang isang suspek sa airport ng General Santos City kung saan siya ngayon ay nasa kustodiya ng Shariff Aguak Municipal Police Station.

Habang ang isa pang suspek ay nasa kustodiya naman ng Mamasapano Municipal Police Station.

Samantala, may 30 mga indibidwal pa rin ang at-large na pinaghahanap ng pulisya.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Allen Rae Co, ilan sa mga kasong kakaharapin ng nasabing mga indibidwal ang 5 counts of murder, 3 counts of frustrated murder, at robbery with violence or intimidation of persons.

Kaugnay, nito inaalam naman na ng pulisya kung ang mga nasabing suspek ay parte ng grupo na nasa likod ng pagpapasabog sa military truck sa Shariff Aguak nitong nakaraang linggo na nagresulta sa pagkasugat ng 2 sundalo at 3 sibilyan.

Facebook Comments