NILIGAWAN | Dwayne Wade, inalok ng multi-million dollar contract ng isang Chinese team

Puspusan ang ginagawang panliligaw ng ilang koponan sa Chinese Basketball League para makuha ang serbisyo ni Dwyane Wade.

Nangunguna na rito ang Zhejiang Golden Bulls na inalok si Wade ng $25M o mahigit isang bilyong piso para maglaro sa kanilang koponan ang point guard ng Miami Heat sa loob ng tatlong taon.

Seryoso rin ang Xinjiang Flying Tigers na makuha ang serbisyo ng three-time NBA champion at 12-time All Star.


Naglaro sa simula ng nakaraang season si Wade sa Cleveland Cavaliers ngunit bumalik ito sa Miami Heat sa kalagitnaan ng liga.

Pumirma ito kamakailan ng isang lifetime contract sa isang Chinese Apparel Company. Pagkatapos nito sinabi ni Wade na babalik ito sa Estados Unidos para tutukan naman ang kaniyang NBA career.

Facebook Comments