NILINAW | Aplikasyon ng mga nagparehistrong botante, sasalain pa ng Election Registration Boards

Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi pa itinuturing na mga opisyal na botante ang mga nagparehistro mula July 2 hanggang September 29, 2018.

Ayon sa COMELEC, dadaan pa kasi ang aplikasyon sa Election Registration Boards (ERB).

Inaasahang maipoproseso ang aplikasyon ng ERB sa loob ng dalawang linggo.


Ang mga aprubado at hindi naapruban na mga aplikasyon ay ipapaskil sa mga tanggapan ng mga election officer.

Ayon pa sa COMELEC, ang bawat lungsod at munisipalidad ay may kaniya-kaniya mga ERBs na binubuo ng city o municipal election officer, public school official at local civil registrar.

Sa nagdaang voters registration, umabot sa mahigit 2.5 million ang bilang ng mga aplikasyon na natanggap ng COMELEC.

Facebook Comments