NILINAW | Dennis Trillo, klinaro na walang proposal na naganap sa girlfriend nitong si Jennylyn Mercado habang nasa Amerika sila

49

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng aktor na si Dennis Trillo na walang proposal na nangyari sa girlfriend nitong si Jennylyn Mercado habang nasa Amerika sila.

Ito ay matapos na kumalat ang pagbati sa dalawa makaraang mag-post si Dennis sa instagram account niya ng picture nila ni Jen na magkahawak-kamay kung saan may suot na singsing ang aktres habang pareho silang nakasuot ng couple watch.

Pero say ni Dennis, lumang singsing na daw iyon ni Jen at nagkataon lang na iyon daw ang naka-foreground sa picture.

Wala pa naman sagot ang aktor kung kailan planong mag-settle down kasama ang aktress kaya at hinala ng ilan na baka hanggang bf/gf goals na lang ang dalawa.

Nabatid na nagpunta kasi sa Amerika sina Dennis at Jen kasama ang iba pang kapuso talents para sa series of concert at kanilang pinasaya ang mga Pinoy na nakatira doon.

Facebook Comments