NILINAW | Paghahain ng COC at CANA, hanggang Miyerkules na lamang – ayon sa COMELEC

Manila, Philippines – Nilinaw ng pamunuan ng Commission on Elections na hanggang sa Miyerkules, October 17 ang paghahain ng Certificate of Candidacy at Certificate of Nomination and Acceptance para sa 2019 Midterm Election.

Ayon kay COMELEC Chairman Sherrif Abbas, hindi na palalawigin pa ang paghahain ng COC at CANA dahil naglabas na ng Resolusyon ang Comelec Enbanc na nagsasabing hanggang sa October 17 nalamang ang paghahain ng kandidatura para sa Senador at Partylist.

Paliwanag ni Atty. Abbas, matapos ang October 17 na kanilang pagsusumite ng kandidatura ay kaagad magsasagawa ng masusing pag-aaral ang Comelec Law Department sa mga nagsumite ng kani-kanilang kandidatura upang malaman kung sinu-sino ang kwalipikado o mga nuissance candidates.


Dagdag pa ng opisyal matapos ang masusing pag-aaral ay kaagad silang maglalabas ng listahan ng mga kwalipikadong tumakbo sa halalan.

Facebook Comments