NILINAW | PNP, iginiit na hindi nila hina-harass ang mga sangkot sa Red October

Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila hina-harass ang mga personalidad na inuugnay sa Red October o planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kasunod ng akusasyon ng grupong Bayan na may pagmamalabis ang mga pulis sa pagbabantay sa kanilang mga aktibidad.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana Jr., hindi totoong pinupuntahan ng mga pulis ang bahay at opisina ng mga miyembro ng grupong Bayan.


Aniya, pinalalaki lang ng mga makakaliwa ang isyu lalo at dumulog na ang mga ito sa Commission on Human Rights (CHR).

Sabi ni Durana, nais lang ng grupong Bayan na manipulahin ang isipan ng taumbayan partikular ang kabataan.

Facebook Comments