NILINAW | PRRD, nasa Papua New Guinea pa para dumalo sa APEC meetings

Nilinaw ngayon ni Philippine Ambassador to Papua New Guinea Bienvenido Tejano na hindi umalis sa Port Moresby si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila ito ng naging pahayag ng Malacañang na uuwi na ng Sabado ng gabi ang Pangulo dahil sa umano ay ‘urgent domestic developments’.

Ayon kay Tejano – dadalo pa rin si Pangulong Duterte sa mga nakatakdang APEC meeting ngayong araw.


Kinumpirma rin ni Agriculture Secretary Manny Piñol na hindi umalis ng bansa ang punong ehekutibo.

Kabilang sa mga inaasahang dadaluhan ng Pangulo ngayong araw ang International Monetary Fund Informal Dialogue with Leaders.

Facebook Comments