NILINAW | Voter’s ID, hindi na kailangan sa plebisito kaugnay ng Bangsamoro Organic Law

Nagpa-alala ang COMELEC na hindi kailangan sa plebisito kaugnay ng Bangsamoro Organic Law ang voter’s ID.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, tulad ng regular elections, hindi rin kailangan sa plebisito sa BOL ang ID para sa mga botante na inisyu ng komisyon.

Aabot sa kabuuang 2.8 million na mga botante ang makikiisa sa idaraos na plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).


Sinabi pa ng COMELEC na inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng mga botante dahil nakabinbin pa ang 99 na petisyon mula sa mga kalapit na local government unit na nais na mapabilang sa bubuuing bagong rehiyon.

Kasama rin sa mga boboto sa plebisito ang mahigit 150,000 na dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) fighters.

Facebook Comments