NILINIS | Tone-toneladang basura sa Manila Bay hinahakot na ng DPOS

Manila, Philippines – Nakikipag-agawan na ngayon sa mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ang mga mangangalakal ng basura para hakutin ang tambak na mga basura sa Manila Bay.

Hindi inaalintana ng mga mangangalakal ng basura ang buhos ng ulan makakuha lamang ng mga basura na pakikinabangan at maaaring pagkakitaan.

Karamihan sa mga basurang nahakot ay mga plastic mineral water na pakikinabangan ng mga kumukuha ng basura para ipakilo.


Panawagan ng Manila City sa mga Manilenyo maging responsable sa pagtatapon ng basura at ipairal ang disiplina sa kani-kanilang mga Barangay.

Facebook Comments