NILOOBAN | Suspek sa panloloob sa bahay ng PEZA Director, hindi pa rin matukoy

43

Butuan City – Hindi pa rin matukoy ng mga otoridad kung sino ang suspek sa panloloob sa bahay ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Charito “Ching” Plaza sa Claudio Street, Estacio Village ng Barangay Bayanihan, Butuan City.

Ayon sa anak ni Plaza na si Frederick Christian na kagawad ng Barangay Tandang Sora, aabot sa P100,000 ang halaga ng mga ninakaw na kagamitan mula sa bahay ng kanyang ina ang natangay ng mga kawatan.

Kasama sa mga nanakaw ay ang window-type air conditioning unit na nagkakahalaga ng P15,000; 2-burner stove na may tangke na nagkakahalaga ng P20,000; mga house decors at iba pang gamit na aabot sa P50,000 ang halaga.

Facebook Comments