NINAKAW NA MOTOR SA ALAMINOS CITY, NATAGPUAN SA SAN JACINTO MATAPOS IBINENTA NG SUSPEK SA HALAGANG P1,000

Narekober sa San Jacinto ang isang ninakaw na motorsiklo mula sa Alaminos City, matapos matunton ang suspek na tangkang ibebenta sana ito sa halagang P1,000 noong Marso 3, 2026.

Ayon sa ulat ng pulisya, inireport ng biktimang delivery rider ang nawawalang motorsiklo at green belt bag na naglalaman ng ilang personal na gamit, pera at susi noong Pebrero 28, 2026 sa kanyang tirahan.

Napansin din umano ng biktima na bigla ring umalis at hindi na makontak ang kanilang long time stay-in helper.

Matapos ireport ng biktima sa Alaminos City ang nangyari, nakatanggap ng impormasyon ang San Jacinto Police Station na may isang lalaking nagbebenta umano ng motorsiklo sa presyong P1,000.

Agad na rumesponde ang pulisya kung saan naaktuhan ang isang 20-anyos na stay-in helper ng biktima, kasama ang ninakaw na motorsiklo at ilang personal na gamit.

Kinumpirma ng biktima ang mga ninakaw na gamit at ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa kasalukuyan, inihahanda ang kasong qualified theft at carnapping laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments