NIRERESPETO | Pagiimbestiga ng Senador sa inaasahang joint oil exploration WPS, iginagalang ng Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na masyado pang maaga para o Premature ang hiling ng Senado na isapubliko ng Malacañang ang kasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas patungkol sa Oil Exploration sa West Philippine Sea.

Batay kasi sa Senate Resolution number 943 na inihain ni Senador Antonio Trillanes IV at Senator Francis Pangilinan ay hinihiling ng mga ito na ilabas ng Malacañang sa publiko ang kasunduan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, Premature pa ang hiling na ito ng mga Senador dahil wala pa namang nalalagdaang deal ang Pilipinas at China.


Pero sinabi din naman ni Panelo na bukas sila sa anomang imbestigasyon na ikakasa ng mga Co-Equal Branch ng Gobyerno.

Paliwanag ni Panelo, magiging transparent ang Malacañang sa anomang kasunduan na papasukin ng Pilipinas sa anomang bansa.

Facebook Comments