Niyanig ng magnitude 8.2 na lindol ang Pacific Ocean malapit sa Fiji at Tonga, kaninang umaga.
Batay sa datos ng US Geological survey, tumama ang lindol sa layong 270 kilometers East ng Levuka sa Fiji at 443 kilometers West ng Neiafu sa Tonga.
May lalim ang lindol na 559.57 kilometers kaya malabong magkaroon ng tsunami sa anumang lugar ayon sa US tsunami warning center.
Maging ang PHIVOLCS ay walang itinaas na tsunami warning sa Pilipinas matapos ang pagyanig.
Facebook Comments