NLEX Harbor Link Segment 10, binuksan na sa mga motorista

Maaari ng madaanan ang NLEX Harbor Link Segment 10 Project kumokonekta sa Manila at Quezon City.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, magsisilbi itong alternatibong ruta para sa mga sasakyan na patungo at galing ng pier sa R10 at dadaan ng NLEX.

Aniya, inaasahan na mapapaiksi ng nasabing expressway ng limang minuto ang oras ng biyahe mula NLEX patungo ng port area mula sa dating isang oras.


Ang NLEX Harbor Link Segment 10 ay 5.65 kilometer elevated expressway na magsisimula sa NLEX mula Mcarthur Highway Karuhatan, Valenzuela City, dadaan sa Malabon City at C3 Road sa Caloocan City.

Mayroon din itong 2.6 kilometer section sa pagitan ng C3 Road, Caloocan City at R10, Navotas City.

Sabi ni Villar, sa unang tatlong linggo ay libreng madadaanan ang expressway habang tinatanya pa ng Toll Regulatory Board (TRB) kung magkano ang dapat isingil.

Facebook Comments