No backpack policy, mahigpit na ipatutupad sa lahat ng mga venue ng SEA Games

Manila, Philippines – Ipatutupad ng Philippine National Police o PNP ang “No Backpack Policy” sa lahat ng mga venue ng SEA Games na pormal na magsisimula sa November 30, araw ng Sabado.

Ayon kay Police Brig. Gen. Rey Lyndon Lawas, commander ng SEA Games Security Task Force, bahagi ito ng security measure para sa seguridad ng lahat ng mga kalahok at manonood ng mga SEA Games event.

Sa halip backpack, clear o transparent bag ang papayagang gamitin.


Magsisimula ito sa grand opening ng 30th SEA Games na gaganapin sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Kaya naman pinapayuhan ang magtutungo hindi lang doon kundi sa lahat ng mga venue ng mga laro na huwag nang magdala ng backpack.

Dahil hindi lahat ng venue ay may mga deposit area na maaring iwanan ang mga gamit.

Sa kasalukuyan ay nasa 30 porsyento na umano ng 27, 000 pulis ang naka-deploy dahil marami nang mga atleta ang dumating at nagsimula na rin ang ilang mga events gaya ng Polo sa Calatagan, Batangas.

Inaasahang magiging 100 percent na ang deployment ng mga pulis sa apat na rehiyon na pagdarausan ng 30th SEA Games sa December 1.

Ito ay sa Ilocos Region Central Luzon, Calabarzon at Metro Manila.

Facebook Comments