Manila, Philippines – Ayaw nang magkomento ng Armed Forces of the Philippines kaugnay sa binitawang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte Kahapon
Sa pahayag nito sinabi nyang mas nais niyang ibigay sa militar ang pamumuno sa bansa sa halip na ipasa kay Vice President Leni Robredo ang kapangyarihan sa sandaling magbitiw na siya sa puwesto.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, ipinauubaya na nila sa mga opisyal ng malakaniyang ang pagbibigay komento sa naturang usapin dahil ito ay pahayag na ng Pangulo.
Tanging ang Pangulo lamang aniya ang makasasagot at makapagbibigay ng paliwanag hinggil sa usapin.
Magugunitang paulit-ulit nang sinasabi ng Pangulo na diskumpiyado siya kay VP Leni kahit pa ito ang ligal na Tagapagmana ng kaniyang posisyon sakaling ituloy nito ang plano niyang pagbitiw sa puwesto.