ITINALAGA | PNP, nagtalaga na ng bagong pinuno ng Police Regional Office 11

Nagtalaga na ang Philippine National Police ng bagong pinuno ng Police Regional Office 11 o Davao Region.

Ito ay matapos na mabakante ang posisyong ito ng ilipat sa PNP Aviation Security Group si Police Chief Supt. Joel Orduña mula sa Police Regional Office 11.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr Supt Benigno Durana ipwinesto bilang bagong Regional director ng Davao Region si Police Chief Supt. Police Chief Supt. Marcelo Morales na galing naman sa Police Regional Office 12 o Soccsksargen.


Itinalaga naman sa Police Regional Office 12 o Soccsksargen bilang regional director si Police Chief Supt Eliseo Tan Rasco na galing naman sa Office of the Chief PNP.

Isinagawa ang balasahan matapos na sibakin si Police Chief Supt. Mariel Magaway ang Regional director ng Police regional Office 8 dahil sa command responsibility matapos na salakayin ng nasa 100 NPA ang Lapinig Municipal Police Station na sakop ng Region 8 at makuha ang labing tatlong mga high powered firearms.

Ipinalit kay Magaway si Police Chief Supt Dionardo Carlos na dating director ng PNP AVSEGROUP.

Facebook Comments