NO COMMENT | AFP, ayaw nang magkomento sa mga isyu na may kinalaman kay Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Hindi na magkokomento pa ang Armed Forces of the Philippines sa mga isyu kaugnay kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo matapos na makakuha ng impormasyong nakapaghain na ng petition sa Supreme Court ang kampo ni Sen Trillanes.

Sa ganitong estado aniya ay hindi na maari pang magkomento ang AFP sa isyu.


Tinitiyak naman ni Arevalo na nanatiling committed ang AFP sa chain of command at rule of law.

Sa ngayon ay nasa proseso na sila ng pagbuo ng General Court Martial upang gawin ang kanilang mandato sa ilalim ng Presidential Proclamation 572.

Una nang nagpahayag ang AFP na wala silang kopya ng application paper ni Senator Trillanes para sa amnesty nito matapos bawiin ni pangulong rodrigo duterte dahil kanyang kasong rebelyon may kaugnayan sa Oakwood mutiny at Manila peninsula siege.

Facebook Comments