Muling pinalawig ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang ‘No Disconnection Policy’ hanggang sa Enero 31, 2021.
Ito ay kanilang tugon sa panawagan ni House Speaker Lord Allan Velasco na i-extend ang nasabing polisya na matatapos na sana sa darating Disyembre 31.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga na sakop lamang nito ang mga costumer na kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour o mas mababa pa.
Ang pagpapalawig din nito ay tulong ng kompanya sa mga naapektuhan ng pandemya para mabawasan ang kanilang problema lalo na ngayong nagpapatuloy pa rin ang COVID-19 pandemic.
Facebook Comments