Mga bayan sa Samar na madaling bahain, inalerto ng PDRRMO sa gitan ng pananalasa ng Bayong Paeng

Inalerto na ng Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang mga residente at lokal na opisyal sa mga bayan na posibleng maapektuhan ng pagbaha bunsod ng Bagyong Paeng.

Ayon kay Samar PDRRMO Officer Van Torrevillas, sa ngayon ay wala pa namang napapaulat na insidente ng pagbaha sa probinsya.

Pero mahigpit aniya nilang binabantayan ang mga bayan na madaling bahain gaya ng Gandara, Santa Margarita, Villareal at Calbiga.


Kaugnay nito, nanawagan si Torrevillas sa mga residenteng maaapektuhan ng bagyo na agad lumikas.

Facebook Comments