No Fly Zones, mahigpit na ipapatupad sa Miyerkules bilang bahagi ng security measures ng ASEAN Summit 2017

Manila, Philippines – Mahigpit na ipapatupad ang ‘no fly zones’ simula sa Miyerkules bilang bahagi ng security measures ng ASEAN Summit 2017.

Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesperson Eric Apolonio, hindi maaaring magpalipad ng drones at private aircraft malapit sa Philippine International Convention Center o PICC, kung saan ang Luneta ang reference point.

Dagdag pa ng opisya, ipagbabawal ito simula alas sais ng umaga hanggang alas ng gabi simula April 26 hanggang 29.


Ayon kay ASEAN 2017 National Organizing Council Director General for Operations Marciano Paynor – kanselado na rin ang sumusunod na chartered flights sa nasabing mga petsa.

AO 2011 Subic To Manila
AO 2012 Manila To Subic AO 2021 Manila To Puerto Galera AO 2022 Puerto Galera To Manila AO 2032 Manila To Busuanga AO 2033 Busuanga To Manila AO 2051 Manila To Boracay AO 2052 Boracay To Manila

Habang sa April 28 naman ay kinansela na rin ang AO 2023 – Manila To Puerto Galera at AO 2024 – Puerto Galera To Manila.

Una nang sinuspinde ng Malacanañg ang lahat ng klase at pasok sa trabaho sa Metro Manila sa April 28.

Idineklara din ang work suspension sa April 27 sa lahat ng government offices sa Manila, Makati at Pasay.

Facebook Comments