Marikina City – Hindi na makakakuha pa ng building permit ang isang itatayong istruktura sa lungsod ng Marikina kung walang probisyon para sa isang parking space.
Ito ang nakasaad sa “No Garage, No Building Permit” Ordinance of 2019 na inaprubahan ng Marikina City Council.
Sa ilalim ng ordinansa, requirement na ang pagpapakita ng proof o pruweba para sa isang sapat na garahe bago aprubahang maitayo ang isang istruktura, gusali man ito o isang bahay na lampas na sa 25-square meters ang land area.
Paliwanag ni Mayor Teodoro, layunin ng ordinansa na tapusin ang nakaugaliang paggamit bilang parking ang kalsada na nagagamit sanang alternatibong daan ng mga motorista para masolusyunan ang problema ng trapik.
Ngayong araw ay nagsagawa ng inspection sa mga establisyemento si Mayor Teodoro para tiyaking natutupad ang ‘5 meters’ easement ng iba’t-ibang negosyo sa itinakdang mga pangunahing kalsada Marikina City.