NO LIMIT | Unli term ng mga kongresista, iminungkahi sa ilalim ng Federalism

Manila, Philippines – Iminungkahi ng ilang mga mambabatas na gawing unlimited ang termino ng mga kongresistang bubuo sa Federal Assembly.

Sa pagdinig para sa pag-amyenda sa saligang batas tungo sa federalismo, inirekomenda ni AKO Bicol Representative Rodel Batocabe na gawing limang taon ang panunungkulan ng mga myembro ng Federal Assembly at wala ding limit ang mga ito sa re-election.

Katwiran dito ni Batocabe, mawawala na sa ilalim ng Federal Assembly ang mga kinatatakutan sa ilalim ng kasalukuyang sistema katulad na lamang ng pagkakaroon ng kontrol sa lupon ng mga dinastiya, parochial concerns at iba pa.


Nakatutok na lamang ang Federal Assembly sa mga usapin na may national significance.

Gayundin ay mawawalan na ng impluwensya ang mga kongresista sa ilalim ng Federal Assembly sa mga malalaking kagawaran dahil ang mga ito ay didirekta na sa Federal States at hindi sa kapulungan.

Hiwalay pa rin ang mga kongresista na siyang bubuo sa Federal Assembly at mga senador na siya namang ihahalal sa limang estado na itatatag sa ilalim ng Federal Government.

Kung maaaprubahan, magiging 300 na ang mga kongresista habang 39 naman ang mga senador kung saan 24 sa national at 3 senador naman sa bawat estado.

Facebook Comments