Manila, Philippines – Suportado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naging desisyon ng Pangulo Rodrigo Duterte na pormal nang wakasang usapang pangkapayapaan sa Communist Party of the Philippine CPP New People’s Army (NPA) National Democratic Front.
Para kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla, tama lamang ang desisyon ng Pangulo lalo’t batay sa kanilang monitoring dumami ang illegal activities ng NPA nationwide.
Batay sa kanilang datos mula January 2017 hanggang ngayong buwan, umaabot sa 353 ang NPA initiated violent activities ng mga rebelde.
Dahil dito napatay ang 64 sundalo pulis at CAFGU.
70 sibilyan ang napatay kasama ang 4 months old na baby sa Bukidnon at 13 sibilyan ang sugatan.
Tumaas din ng dalawang libong porsyento na halaga nalugi sa mga business establishments at mining companies sa eastern Mindanao at western Mindanano dahil sa panununog ng mga NPA.
Sa ngayon, magpapatuloy ang focus military operation ng militar laban sa CPP-NPA-NDF.
Bagamat nalulungkot ang militar sa hakbang na ito, lalot kapwa Pilipino ang kanilang nakakalaban suportado pa rin nila ang desisyon ng Pangulo.