FIBA | Gilas Pilipinas, nasa Taiwan na para sa magiging laban kontra Chinese Taipei

Taiwan – Agad nagsagawa ng practice ang Gilas Pilipinas Matapos silang makarating sa Taiwan para sa laban nila kontra Chinese Taipei sa darating na Biyernes, alas-7:00 ng gabi sa third window ng FIBA World Cup Asian Qualifers.

Ayon kay Gilas Coach Chot Reyes, kulang sila sa panahon kaya at isinagawa nila ang ensayo lalo na at kailangan nilang manalo sa laban upang makausad sa susunod na round.

Ilan sa mga players na nakasama sa biyahe ay sina Gabe Norwood, Jayson Castro, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, Terrence Romeo, Roger Pogoy, Troy Rosario, Baser Amer, Jiovani Jalalon, Allein Maliksi, Carl Bryan Cruz, Calvin Abueva, Matthew Wright, Andray Blatche at Troy Rike na miyembro ng Gilas Pool 2023.


Bago naman ang nasabing laban, aabangan din ang gagawing pag-anunsiyo ni Reyes sa final-12 line-up ng national team.

Facebook Comments