Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga mananalong kandidato sa May 13 midterm elections na magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Base sa Comelec Resolution no. 10505, hindi makakaupo ang isang kandidato sa kanyang pwesto kung hindi ito maghahain ng kanyang SOCE.
Ituturing ding bakante ang opisina o posisyon ng isang elected candidate na bigong makapagpasa ng SOCE at hindi nakapanumpa sa loob ng anim na buwan mula sa kanyang proklamasyon.
Ayon sa Comelec – lahat ng kandidato at mga partido na tumatakbo sa May 13 national at local elections, panalo man o talo, ay kailangang magpasa ng kanilang SOCE hindi lalagpas sa June 12, 2019.
Hindi natatanggapin ng poll body ang mga magpapasa na lagpas sa itinakdang deadline.
Papatawan din ng multa ang mga late submission ng SOCE.