Manila, Philippines – Pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang panukala ng Department of Health (DOH) na ipatupad ang “no vaccination, no enrollment” policy sa mga pampublikong ekwelahan.
Ito ay sa gitna na rin ng tidgas outbreak sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
Pero sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones – ikinukunsidera pa rin nila ang karapatan ng mga mag-aaral.
Tiniyak naman ng DepEd na patuloy silang makikipag-ugnayan sa DOH sa monitoring ng mga kaso ng tigdas at ang pagtugon sa sakit.
Base sa huling datos ng DOH, nasa 11,459 ang kaso ng tigdas sa buong bansa hanggang February 20 at umabot nasa 189 ang namatay.
Facebook Comments