“No Vaccine, No Work” policy ng IATF, iligal dahil hindi galing sa Kongreso

Iginiit ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Party-list Rep. Raymond Mendoza na iligal ang polisiyang “No Vaccine, No Work” ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga private establishments at government offices dahil hindi ito galing sa Kongreso.

Sa imbestigasyon ng House Committee on Labor and Employment sa nasabing resolusyong inilabas ng IATF, sinabi ni Mendoza na kung ang kautusan ay galing lamang sa task force hindi ito maituturing na legal.

Ang mga ganitong malawakang kautusan ay dapat na manggagaling mismo at ipasa ng Kongreso para ma-legalize.


Magkagayunman, tutol ang mga kongresista sa polisiya dahil ang vaccine hesitancy ay hindi dapat ipinipilit sa mga empleyado.

Ang dapat aniyang gawin ng IATF ay i-educate ang publiko tungkol sa benepisyo ng COVID-19 vaccines sa halip na gawing mandatory ang bakuna para makabalik sa trabaho.

Tinatalakay ngayon ng komite ang House Resolutions 2210 at 2309 kaugnay sa iligal na pagpapatupad ng IATF ng “No Vaccine, No Work” policy.

Facebook Comments